KIDAPAWAN CITY-Patay ang isang municipal treasurer na empleyado ng gobyerno makaraang tambangan at pagbabarilin ng riding in tandem habang papasok pa sana sa kanyang trabaho sa naganap na krimen sa kanto ng Sinsuat Avenue at Gonzalo Javier Street, Cotabato City, umaga nitong Lunes.
Kinilala ang biktima na si Toto Gumbila, 40-anyos na residente ng Don E. Sero Street, Barangay Rosary Heights 5 ng siyudad at municipal treasurer ng Kabuntalan.
Sa inisyal na ulat ng City PNP, pasado alas siyete ng umaga habang patungo sana sa kanyang trabaho ang biktima sakay ng kanyang kotse nang tabihan ng riding tandem suspects at pinagbabaril pagsapit sa kanto ng Sinsuat Avenue at gonzalo Javier Street sa lungsod.
Nagtamo ng mga tama ng bala mula sa cal. 45 pistol ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan na dahilan ng agad nitong pagkasawi. Mabilis namang tumakas ang mga suspek matapos gawin ang krimen.