
DAVAO CITY – Sinugod ng mga trabahador ng Japanese frozen food manufacturing and export company Nakashin Davao International ang pansamantalang tanggapan ni President-elect Rodrigo Duterte upang idulog ang problema ng mga sinibak na empleyado.
Ilang dosena sa mga ito ang may bitbit ng streamers at kinokondena ang kampanya dahil sa pagsibak nito sa mga trabahador. Umabot pa sa gate ng Department of Public Works ang Highways sa Barangay Panacan na kung saan ay nagpupulong si Duterte noon gabi ng Lunes.
Hindi naman lumabas si Duterte upang harapin ang mga nagpo-protestang trabahador. Nag-abot na lamang ng liham ang mga trabahador sa mga nakabantay sa gate ng DPWH habang naka-alerto naman ang mga sundalo mula sa Task Force Davao at pulisya na nakabantay sa labas.
Umapela ang grupo kay Duterte na sila ay tulungan makabalik sa trabaho, ngunit sinabi naman ni Vice Mayor Paolo Duterte na nagsarado na ang kampanya dahil sa diumano’y welga ng mga trabahador na siyang ikanalugi ng Nakashin na pagaari ni Sumihiro Nakao.
Ngunit iginiit naman ng mga trabahador na ang kanilang hinihingi ay naaayon lamang sa batas at wala ng iba pa. Nakita rin umano nilang patuloy ang operasyon ng Nakashin sa kabila ng patunay ng Vice Mayor.
Suportado rin ng Kilusang Mayo Uno ang mga trabahador. “Until such a notice is duly served to the Department of Labor and Employment and to the workers, the claim of shutting down and closing shop remains to be a threat waved by Nakashin to suppress the strike.”
“Instead of facing the workers’ demands to be made regular employees, Nakashin has decided this track. If indeed the company has incurred losses, it cannot pin the blame on the strike. It only had to follow the law on regularization, comply with the labor standards, and reinstate those it illegally dismissed for the strike to be lifted. The workers did not demand wage increases or additional rights and privileges set by the law – it only demanded that Nakashin and its owner Sumihiro Nakao obey the law,” pahayag pa ng KMU. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Share Our News