Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Nawawalang bebot, natagpuang patay

Nawawalang bebot, natagpuang patay

Editor September 17, 2014
PNP-2B2-2Bcopy8

ZAMBOANGA CITY – Isang babaeng teenager na inulat na nawawala ng kanyang pamilya noon pang Agosto ang brutal na pinatay matapos na madiskubre ang naaagnas nitong bangkay di-kalayuan sa kanilang lugar sa Zamboanga City.

Nakilala ang biktima na si Marlyn Mariano at natagpuan ng tiya nitong si Manuela Atilano habang nangunguha ng kahoy sa masukal na lugar sa Barangay Sinunuc matapos na mapuna ang bulok na amoy sa naturang lugar.

Inakala pa umano ng biyuda na patay na hayup ang nangangamoy, ngunit laking gulat na lamang nito ng malamang bangkay ng tao ito at lalo pang nagimbal ng mabatid na ito ang nawawalang pamangkin. Putol rin ang kamay ng dalagita, ayon sa matanda.

Huli umanong nakita si Marlyn kasama ang isang grupo ng mga kabataan na gumagamit ng rugby, subalit hindi naman mabatid kung may kinalaman ang mga ito sa pagpaslang sa babae na posibleng inabuso rin.

“Nangunguha ako ng kahoy para pang-gatong at may naamoy akong mabaho at hinanap ko ito sa akalang patay na hayup lamang, pero bangkay pala ni Marlyn iyon at wala na rin ang isang kamay niya, pinutol ang kamay,” ani ng tiya. (Mindanao Examiner)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Police hold intell training course for Sulu cops
Next: 3 parak binatuhan ng granada sa Cagayan de Oro

Trending News

DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental Anna-Rosal-Verga 1

DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental

May 20, 2025
Two new Begonia species discovered in Davao Oriental Begonia1 2

Two new Begonia species discovered in Davao Oriental

May 20, 2025
Tourism driving change in Isabela City de Basilan basilan 3

Tourism driving change in Isabela City de Basilan

May 20, 2025
Filipinos in Hong Kong warned against offers of surrogacy jobs DMW-logo 4

Filipinos in Hong Kong warned against offers of surrogacy jobs

May 20, 2025
PH scores record P1.18-B sales leads at Arabian Travel Market 2025 TPB2 5

PH scores record P1.18-B sales leads at Arabian Travel Market 2025

May 20, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.