Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • NCCC Mall sa Tagum City nilusob, 1 patay
  • Featured
  • Mindanao Post

NCCC Mall sa Tagum City nilusob, 1 patay

Desk Editor January 16, 2016

1c6449ef-31ef-47df-b9ff-93c12162d6dc copy

Nagkumpol sa harapan ng NCCC Mall sa Tagum City sa Davao del Norte ang mga parak matapos itong looban ng mga armado ngayon Enero 16, 2016. Nagkalat pa sa lugar ang mga basyo ng bala matapos na magkabarilan doon na kung saan ay isang security guard ang napatay. (Mindanao Examiner Photo - Jayson Mag-usara)
Nagkumpol sa harapan ng NCCC Mall sa Tagum City sa Davao del Norte ang mga parak matapos itong looban ng mga armado ngayon Enero 16, 2016. Nagkalat pa sa lugar ang mga basyo ng bala matapos na magkabarilan doon na kung saan ay isang security guard ang napatay. (Mindanao Examiner Photo – Jayson Mag-usara)

 

TAGUM CITY – Isang security guard ang napatay kaninang umaga matapos itong makipaglaban sa mga armadong nanloob sa 2 jewelry shops sa NCCC Malll sa Tagum City sa Davao del Norte sa Mindanao.

Naunahan diumano ng mga armado ang mga security guards sa nasabing mall kung kaya’t nagawa ng mga ito na mapasok ang lugar at mabilis na napagnakawan ang mga shops.

Tinatayang 9 na kalalakihan na pawang armado ng mga magtataas na kalibre ng armas ang nakatakas mula sa matagumpay na panloloob.

Kinumpirma sa Mindanao Examiner Regional Newspaper ni Insp. Anjanette Tirador, ng lokal na pulisya, na naisugod pa sa pagamutan ang security guard, ngunit binawian rin ito ng buhay dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan.

Pinaghahanap na rin umano ng pulisya ang grupong nasa likod ng panloloob. Tumakas ang mga salarin sakay ng kanilang motorsiklo.

Nakuha sa lugar, ang mga basyo ng .45-caliber pistol at M16 baby rifle. Pinagaaralan na ng mga kapulisan ang kuha ng security cameras ng mall upang makilala ang mga salarin.

Hindi naman sinabi ng pamunuan ng mall kung magkanong halaga ng mga alahas ang natangay ng grupo. (Jayson Mag-usara)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
https://mindanaoexaminer.com/ad-rates

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Doglegs: the wrestlers breaking stereotypes of disability in Japan – The Guardian
Next: ‘Plastic’ rice mula China naipuslit sa Cagayan de Oro City

Related News

Claire-Castro-RTVM
  • Mindanao Post
  • National

‘Major step’: Palace lauds $10-M climate grant for Tawi-Tawi project

Desk Editor May 7, 2025
P20rice-PIA
  • Featured
  • Visayas

Tears of gratitude: Elderly Cebuano first to benefit from PBBM’s P20 Rice Program

Desk Editor May 7, 2025
Dr-Kristian-PIA
  • Health
  • Mindanao Post

Bone Marrow Transplant Center to open in Davao by 2028

Desk Editor May 7, 2025

Trending News

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption NFA-rice-PIA 1

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption

May 9, 2025
PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection PhilHealth_MMDA-Mural-Unveiling2 2

PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection

May 9, 2025
Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA Philippines_Poverty_Mel_Hattie 3

Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA

May 9, 2025
PH to become $2-T economy by 2050 Bonifacio-Global-City_and_Makati_skylines 4

PH to become $2-T economy by 2050

May 8, 2025
Metrobank Tops 2025 PDS Annual Awards Metrobank-Annual-Awards 5

Metrobank Tops 2025 PDS Annual Awards

May 8, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.