Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • NEDA tinawag na ‘sinungaling’
  • Featured
  • Mindanao Post

NEDA tinawag na ‘sinungaling’

Desk Editor June 9, 2018

TINAWAG na sinungaling ng grupong Salinlahi Alliance for Children’s Concerns ang National Economic and Development Authority (NEDA) dahil sa pagsasabing sapat na sa isang pamilyang may limang miyembro ang minimum na sahod na P10,000 kada buwan.

“Napakadaling sabihin para mga opisyal ng pamahalaan na sapat na ang P10,000 kada buwan dahil lagpas lagpas sa minimum wage ang kanilang buwanang sahod,” ito ang tugon ni Eule Rico Bonganay, pangkalahatang kalihim ng Salinlahi Alliance for Children’s Concerns kaugnay sa inilabas na computation ng NEDA kamakailan.

Aniya, kasinungalingan ang sinasabi ng NEDA na sa halagang P3,834 ay makakain at mabubuhay ng disente ang isang pamilya. “Binibigyang katwiran lamang ng NEDA ang kahirapan at kagutuman na nararanasan ng mayorya ng mamamayang Pilipino imbes na tugunan ang panawagan ng mga manggagawa para sa dagdag na sahod,” sabi ni Bonganay.

“Paano mapagkakasya ang halagang P127 kada araw para magkaroon ng sapat at masustansyang pagkain ang isang pamilya na may limang miyembro? Paano nito mapupunan ang gutom na matagal nang nararanasan ng mahihirap na pamilya lalo na’t walang tigil ang pagsirit ng presyo ng mga pangunahin bilihin dahil sa TRAIN Law?” tanong ni Bonganay.

Ayon sa Salinlahi, ang pagsirit ng presyo ng mga bilihin ay bunsod ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law ng administrasyong Duterte. “Dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin dulot ng TRAIN Law ni Duterte, lalong lumiit ang tunay na halaga ng sahod ng mga manggagawa. Ang TRAIN Law ang higit na magsasadlak sa mga manggagawa at kanilang mga anak sa higit na kagutuman,” giit ni Bonganay. Sa pagtatala ng Save the Children, halos 85 na bata ang namamatay araw-araw dahil sa malunutrisyon at kagutuman.

“Ang TRAIN Law ay pahirap sa mga bata at kanilang pamilya. Maliban sa pagtaas ng presyo ng mga pagkain, nagmahal din ang presyo ng mga gamit sa eskwela. Nakaamba rin ang dagdag pasahe sa mga pampublikong sasakyan. Paano natin maitatawid ang ating mga anak sa pag-aaral kung hindi sapat ang ating sahod?” ani Bonganay.

Ayon kay Bonganay, naglulunsad ang Salinlahi sa pangunguna ng STOP Train Network ng Black Friday Protest upang mangalap ng pirma para sa petisyon laban sa TRAIN Law ni Duterte. “Dapat tayong magkaisa upang ibasura ang anti-mahirap na TRAIN Law at iba pang mga patakarang nagpapahirap sa mamamayan. Kailangan nating igiit ang panawagan na itaas sa P750 ang minimum na sahod sa buong bansa at wakasan ang kontraktwalisasyon,” ani Bonganay. (Mindanao Examiner)

See media rates: http://mindanaoexaminer.com/ad-rates/
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/
http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: http://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: JTF NCR chief revisits Sulu
Next: Cebu port project loans signed

Related News

Claire-Castro-RTVM
  • Mindanao Post
  • National

‘Major step’: Palace lauds $10-M climate grant for Tawi-Tawi project

Desk Editor May 7, 2025
P20rice-PIA
  • Featured
  • Visayas

Tears of gratitude: Elderly Cebuano first to benefit from PBBM’s P20 Rice Program

Desk Editor May 7, 2025
Dr-Kristian-PIA
  • Health
  • Mindanao Post

Bone Marrow Transplant Center to open in Davao by 2028

Desk Editor May 7, 2025

Trending News

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption NFA-rice-PIA 1

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption

May 9, 2025
PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection PhilHealth_MMDA-Mural-Unveiling2 2

PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection

May 9, 2025
Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA Philippines_Poverty_Mel_Hattie 3

Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA

May 9, 2025
PH to become $2-T economy by 2050 Bonifacio-Global-City_and_Makati_skylines 4

PH to become $2-T economy by 2050

May 8, 2025
Metrobank Tops 2025 PDS Annual Awards Metrobank-Annual-Awards 5

Metrobank Tops 2025 PDS Annual Awards

May 8, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.