PAGADIAN CITY – Isang negosyante ang inutas ng di-kilalang salarin matapos itong birahin ng 12-gauge shotgun sa bayan ng Buug sa Zamboanga Sibugay province.
Ayon sa ulat ng pulisya, sa mismong highway ng nasabing bayan pinatay ang 56-anyos na si Nestor Gonzaga kamakalawa ng umaga. Nilapitan umano ito ng isang lalaki at saka tinira sa dibdib. Dead on the spot agad si Gonzaga dahil sa mga pellets ng bumaon sa dibdib nito.
Agad rin tumakas ang salarin matapos ng krimen. Hindi pa mabatid ang motibo sa pamamaslang at wala rin mga tao ang gustong magbigay ng pahayag sa pulisya.
Sinabi ng pulisya na kasalukuyang iniimbestigahan ang pagpatay kay Gonzaga. Walang ibinigay na anumang pahayag ang pamilya nito ukol sa krimen. (Ely Dumaboc)
Share Our News
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper