Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • ‘Ningas cogon’ ang traffic operation sa Zamboanga City

‘Ningas cogon’ ang traffic operation sa Zamboanga City

Editor April 3, 2014
Traffic-violation-2-copy

 Ito ang karaniwang tanawin sa Zamboanga, ngunit dedma lamang ang Traffic Section ng lokal na pulisya at City Hall, gayun rin ang Land Transportation Office sa walang humpay na paglabag ng batas-trapiko ng mga abusadong tsuper ng jeep at bus. (Mindanao Examiner Photo)
 

Ito ang karaniwang tanawin sa Zamboanga, ngunit dedma lamang ang Traffic Section ng lokal na pulisya at City Hall, gayun rin ang Land Transportation Office sa walang humpay na paglabag ng batas-trapiko ng mga abusadong tsuper ng jeep at bus. (Mindanao Examiner Photo)

ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Apr. 3, 2014) – Tila ‘ningas cogon’ lamang ang operasyon ng Land Transportation Office at Traffic Section ng lokal na pulisya sa kanilang kampanya kontra motorista na lumalabag sa batas-trapiko sa Zamboanga City.

Kaliwa’t-kanan ngayon ang paglalagay ng checkpoint, partikular sa gabi, ng mga kawani ng LTO at traffic policemen, upang mahuli ang mga lumalabag sa batas, partikular ang mga nakasakay o pasahero ng motorsiklo na walang suot na helmet o kaya ay walang dalang lisensya at iba pa, at gayun rin sa mga nagmamaneho ng kotse at mga sasakyan.

Sa kabila ng pasulput-sulpot na operasyon nito ay tila bulag naman ang mga awtoridad sa mga pampasaherong jeep at mini-bus na walang humpay ang paglabag sa batas-trapiko.

Sa araw-araw na tanawin dito,  kapuna-puna ang mga bumibiyaheng overloaded jeep at bus at bukod pa ang maraming mga pasaherong nakasakay sa ibabaw ng mga bubungan nito, subalit sa kabila nito ay dedma lamang dito ang mga awtoridad.

Hindi lamang peligro ang dulot nito sa mga pasahero kundi ang tahasang kawalan ng respeto ng mga tsuper sa naturang batas. Naunang idinahilan ni LTO regional director Aminola Abaton na kulang sila ng tauhan kung kaya’t hindi maaksyunan ang mga paglabag na ito.

Maging ang City Hall at ang Traffic Section ng pulisya ay wala rin aksyon sa matagal ng problema sa mga abusadong tsuper. (Mindanao Examiner)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Sayyafs free kidnapped school principal in Southern Philippines
Next: Sabah raiders hindi pa rin matagpuan

Trending News

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress BLT-1 1
  • Business
  • Featured

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress

May 22, 2025
Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025 PagIBIG-Housing-Loan 2
  • National

Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025

May 22, 2025
Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country Innovation-Day-2025-Schneider1 3
  • Business

Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country

May 21, 2025
Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs Marawi-IDP 4
  • Mindanao Post

Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs

May 21, 2025
DSWD aids Filipinos returning from Sabah DSWD-aids-Filipinos 5
  • Mindanao Post

DSWD aids Filipinos returning from Sabah

May 21, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.