KIDAPAWAN CITY – Hinihikayat ni North Cotabato 3rd District Congressman Jose “Ping-Ping” Tejada ang mga mamamayan sa kanyang nasasakupan na makilahok sa isasagawang malawakang clean up drive sa bawat barangay, lalong-lalo na sa mga paaralan upang mapanatili ang kalinisan sa kapaligiran upang mapuksa ang pagkalat ng mga lamok na may dalang dengue virus.
Sinabi ni Tejada na layunin nitong matulungang mapuksa ang dumadaming kaso ng dengue sa mga bayan ng Tulunan, M’lang, Kabacan, Matalam, Carmen at Banisilan.
Matatandaang nangunguna pa rin ang North Cotabato sa buong rehiyon ng SOCCKSARGEN ( South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, General Santos City) na may pinakamaraming kaso ng dengue batay sa pinakahuling datus ng Department of Health.
Ayon sa mambabatas, hindi kailangang magdeklara ng state of calamity ang isang lalawigan para lamang na magtrabaho at mapanatiling malinis ang paligid. Umani naman ng malaking suporta si Tejada mula sa mga residente at pinuri ang kasipagan ng kongresista. (Cherry Exim)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Read And Share Our News: Mindanao Examiner Website
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates