Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • North Cotabato mayor, abswelto sa kasong graft!
  • Featured
  • Mindanao Post

North Cotabato mayor, abswelto sa kasong graft!

Desk Editor October 4, 2018

KIDAPAWAN CITY – Inabswelto umano ng Sandiganbayan Second Division si dating President Roxas Mayor Lucita Racines sa apat na kasong graft at malversation of funds.

Ito ayon kay Atty. Vicente Andiano, ang legal counsel ni Racines, at sa panayam ng Mindanao Examiner regional newspaper, sinabi nito na ang desisyon ay inilabas ng Sandiganbayan kamakailan lamang na kung saan ay  pinawalang sala ang dating punong ehekutibo sa pag gamit nito ng kanyang intelligence fund.

Ang kaso ay isinampa noong 2010 nina Jane Fordan Dayo, Elizabeth Hilado at Noel Mallorca na mga opisyal ng pamahalaang lokal ayon kay Andiano.

Nag-ugat ang nasabing kaso matapos na gamitin ni Racines ang P1 milyon mula sa naturang intelligence fund noong 2007, kahit walang ipinasang pondo ang Sangguniang Bayan.

Malinaw naman kasi sa local government code na 3% ng total funds ng local government ay mapupunta bilang intelligence funds ng mayor. At sinang-ayunan ito ng Sandiganbayan, gayun rin ang mga pahayag ng alkalde na walang kurapsiyon na nangyari at hindi nito kinurakot ang pera mula sa kaban ng bayan.

Giit pa ni Andiano na kulang ang mga ebidensiya na inihain laban kay Racines upang madiin na may anomalya at kurapsiyon sa paggamit ng pondo. “Dito natin makikita na ang pag-abswelto sa aking kliyente ay patunay lamang na buhay ang hustisya sa bansa at sa mga taong na-agrabyado,” ani Andiano.

Ang mga paratang na ito ang ginamit naman ng mga kalaban sa pulitika ni Racines dahilan para matalo siya sa pagtakbo nito sa nakaraang eleksiyon. Tuwang-tuwa naman ang mga supporters ni Racines sa nasabing desisyon ng korte at ipinagbubunyi rin ito ng iba’t-ibang mga  grupo na tiwala sa pulitiko. (Rhoderick Beñez)

 

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read And Share Our News: https://www.mindanaoexaminer.com/
http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
See Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates/
fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: UK blames Russian military for ‘reckless’ cyber attacks – CNN News
Next: Louisville councilman says he won’t resign — despite seeking office in Nigeria – Fox News

Related News

Claire-Castro-RTVM
  • Mindanao Post
  • National

‘Major step’: Palace lauds $10-M climate grant for Tawi-Tawi project

Desk Editor May 7, 2025
P20rice-PIA
  • Featured
  • Visayas

Tears of gratitude: Elderly Cebuano first to benefit from PBBM’s P20 Rice Program

Desk Editor May 7, 2025
Dr-Kristian-PIA
  • Health
  • Mindanao Post

Bone Marrow Transplant Center to open in Davao by 2028

Desk Editor May 7, 2025

Trending News

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption NFA-rice-PIA 1

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption

May 9, 2025
PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection PhilHealth_MMDA-Mural-Unveiling2 2

PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection

May 9, 2025
Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA Philippines_Poverty_Mel_Hattie 3

Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA

May 9, 2025
PH to become $2-T economy by 2050 Bonifacio-Global-City_and_Makati_skylines 4

PH to become $2-T economy by 2050

May 8, 2025
Metrobank Tops 2025 PDS Annual Awards Metrobank-Annual-Awards 5

Metrobank Tops 2025 PDS Annual Awards

May 8, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.