
COTABATO CITY (Mindanao Examiner / June 2, 2013) – Walong bata umano ang inulat na sugatan matapos na yanigin ng malakas na lindol ang bayan ng Carmen sa North Cotabato province sa Mindanao.
Naitala sa magnitude 5.7 ang lindol nitong Sabado ng gabi, ngunit inulat rin na isa pang pagyanig na magnitude may 4.3 ang naitala ngayon Linggo ng umaga.
Ilang mga kabahayan rin ang nasira, gayun rin ang mga classroom sa Barangay Kibudtungan ng naturang bayan.
Nailikas na ang mga sugatan sa bayan ng Kabacan upang mabigyan ng lunas ang mga tinamong sugat sanhi ng debris na tumama sa kanila.
Sinabi pa ng ahensya na tectonic o ang paggalaw sa ilalim ng lupa ang pinagmulan ng lindol.
Ang bansa ay nasa tinatawag na Pacific Ring of Fire, na halos 40,000-kilometro ang laki na kung saan ay matatagpuan ang mahigit sa 400 mga undersea volcanoes na pangunahin dahilan rin ng lindol. (Mindanao Examiner)