
MAGUINDANAO – Napatay umano ng Moro Islamic Liberation Front ang notoryosong bomber na si Abdul Basit Usman sa bayan ng Guindulungan sa lalawigan ng Maguindanao, ngunit tahimik ang liderato ng rebeldeng grupo sa naganap.
Nabatid na isang MILF commander Barok ang tumira kay Usman, na siyang pinuno ng grupong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at Ansarul Khilafah, ang lokal na bersyon ng ISIS sa Mindanao.
Si Barok ay isa sa mga lider ng MILF 118th Base Command sa Maguindanao, subali’t hindi pa mabatid ang dahilan kung bakit pinaslang nito si Usman na dating lider ng MILF. Wanted si Usman ng pamahalaan ng Estados Unidos at nag-alok pa ito ng $1 milyon reward sa ulo ni Usman.
“Abdul Basit Usman, a Filipino citizen, is a bomb-making expert with links to the Philippines-based Abu Sayyaf Group and Jemaah Islamiyah terrorist organizations operating in the southern Philippines. Due to these associations, U.S. authorities consider Basit to be a threat to U.S. and Filipino citizens and interests. Basit is believed to have orchestrated several bombings that have killed, injured, and maimed many innocent civilians.”
“Basit has been indicted in the Philippines for his role in multiple bombing incidents since 2003, and the Government of the Philippines has issued a warrant for his arrest. He is believed to be hiding in central Mindanao,” ayon pa sa poster ng Rewards for Justice Program ng Estados Unidos ukol kay Usman.
Hindi naman nagbigay ng anumang pahayag ang 6th Infantry Division ukol sa pagkakapatay ng MILF kay Usman, ngunit kinumpirma umano ito ni Toks Opham ng crease-fire committee ng MILF.
Unang napabalita kamakailan lamang na sugatan si Usman sa sagupaan nito sa Marines sa Lanao province. Kabilang ang Lanao at Maguindanao sa magulong Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Inaasan naman na gagamitin ito ng ilang mga pulitiko na mahilig umepal sa mga balita upang malagay lamang sa media ang kanilang pangalan. Ngunit posibleng akuin rin ng militar at pamahalaang Aquino ang pagkakapaslang kay Usman upang masabi na tagumpay ang kanilang operasyon kontra terorismo.
Ilang ulit ng inakusahan ng militar at pulisya ang MILF na siyang nagkakanlong kay Usman, na itinanaggi naman ng naturang grupo. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News