ZAMBOANGA CITY – Patay ang isang notoryosong drug pusher at kriminal matapos itong makipagbarilan sa mga parak sa Zamboanga City na tumutugis sa kanya dahil sa pagpaslang nito sa isang sibilyan.
Nakilala ang kriminal na si Herbert Toralba at napatay ito Sabado ng umaga sa Barangay Ayala na kilalang lungga ng mga drug addict at pushers sa Zamboanga.
Sinabi ng pulisya na pinatay ni Toralba si Ronnie Baylon sa naturang lugar kung kaya’t tinugis ito ng grupo ni Senior Inspector Karib Muharram kasama ang mga opisyal ng barangay sa pangunguna ni Kagawad Alex Macapili.
Naabutan ng mga parak si Toralba ngunit nakipagbarilan ito hanggang sa mapatay at nabawi sa kanya ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu, gayun rin ang isang .38-kalibre pistol at mga bala.
“Suspect was known as notorious, engaging in criminal activities such as robbery, hold up, extortion and also engage in selling of illegal drugs or shabu at the barangay. Furthermore, the suspect is rank number 2 in priority target list on illegal drugs,” ani Supt. Rogelio Alabata, ang regional police spokesman.
Nabatid na labas-masok sa bilanguan si Toralba at kasalukuyang naka-piyansa sa isang kaso na hindi naman sinabi ng pulisya. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Share Our News