
SULTAN KUDARAT (Mindanao Examiner / Mar. 30, 2014) – Hindi pa rin mabatid hanggang ngayon ang motibo sa pagkakapaslang sa isang nurse ng Provincial Health Office ng Sultan Kudarat matapos itong tambangan ng mga di-kilalang armado sa bayan ng Isulan.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya binaril si Jesus Santocedes sa loob mismo ng minamanehong sasakyan habang pagbalik sa kanyang bahay. Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo at isa sa dibdib ang kawani ng provincial Health Office matapos itong tirahin ng isa sa dalawang lalaki na naka-motorsiklo sa bayan ng Isulan.
Hindi pa mabatid ang motibo at kung sino ang nasa likod ng pamamaslang, ngunit ayon sa mga kasamahan ng biktima ay nagpaalam lamang ito mula sa kanilang pulong dahil may kukunin lamang umano sa bahay.
Agad rin tumakas ang mhga salarin matapos ng pamamaril kamakailan lamang. Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen. (Dado Diaz)