
MANILA (Mindanao Examiner / Feb. 19, 2014) – Umani ng katakut-takot na protesta at hindi pagsang-ayon ang publiko, partikular ang ibat-ibang grupo at netizens, sa desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang legal ang online libel sa Cybercrime Law at maituturing itong isang criminal offense.
Ipinagtanggol naman ni Pangulong Benigno Aquino at Senador Vicente Sotto ang desisyon at sinabing proteksyon ito ng isang indibidwal sa mga nakakasirang paratang sa Internet at social media. Ayon kay Aquino ay hindi umano makakalabag sa karapatan ng sinuman ang naturang desisyon ng Korte Suprema.
Tutol kami
Tinuligsa rin ng media group Alab ng Mamamahayag ang desisyon ng Korte Suprema at ayon kay ALAM national Chairman Jerry Yap, hindi bagong batas ang libel at matagal na itong tinututulan ng media dahil sinisikil nito ang kalayaan sa pagpapahayag ng katotohanan.
Aniya, isa na namang bagong paraan sa panggigipit sa media ang online libel. “Noon 1932 pa, tinututulan na ang libel. In fact, may batas na para ma-decriminalize ang libel. Ano ba ang naisipan ng mga walang magawang mambabatas at media na naman ang ginigipit nila? Napakaraming kriminal na nagkalat, bakit hindi iyon ang asikasuhin para mabawasan krimen. Nagtatrabaho lang kami para maiulat ang katotohanan,” ani Yap.
Sinabi naman ni Atty. Theodore Te, ang tagapagsalita ng Korte Suprema, na mapaparusahan ang orihinal na author ng libelous post sa Internet, ngunit lusot ang mga nakatanggap o nagkomento lamang sa naturang post sa social media, batay sa Section 4 ng batas.
Ayon sa batas ay parurusahan rin ang mga taong tumulong o nakipagsabwatan sa pagsagawa ng cybercrimes o sinumang magtatangkang gumawa nito na kinabibilangan ng mga sumusunod na aktibidad: – illegal access; illegal interception; data interference; system interference; misuse of devices; cyber squatting; computer related fraud; computer-related identity theft; at cyber sex, batay naman sa Section 5.
Subalit ilegal naman, ani Te, ang pangungolekta ng real-time traffic data ng mga awtoridad at paglimita o pag-alis ng access sa Internet ng user.
Media ang target
“Mas prayoridad yata ng gobyerno ang maliliit na krimen kesa mga seryosong mga krimen at napakaraming drug lords, mga kaso ng child pornography, murder, human trafficking, money laundering, bakit media ang binabatikos nila? Kakampi kami ng batas. Ang kaaway nating lahat, yung mga kriminal. Kung nagkataong kongresista o senador, kahit pa presidente ang kriminal, kahit pa sanlibong libel cases, hindi makapipigil sa pagsisiwalat naming ng katotohanan,” sabi pa ni Yap.
Sinabi ni Yap na hindi dapat itinutuon ng batas ang kanilang atensyon sa media at mga Internet users dahil iilan lang naman ang iresponsable sa kanila. “Konting masaling mo ang mga government officials, libel agad. Konting samaan ng loob, libel agad. Laging iyan ang pang-harrass sa media,” wika pa nito.
Idinagdag pa ni Yap, na dating pangulo ng National Press Club, na kung tutuusin ay hindi na kailangan ang online libel dahil dahil kapareho rin ito ng libel na nakapaloob sa Revised Penal Code. “Importante sa aming media men ang makapagsiwalat ng katotohanan. Teknikal ang libel. Kahit mababa lang ang parusa, nasa ilalim pa rin ito ng hurisdiksyon ng Regional Trial Court. Sa madaling sabi, kung ma-convict ang writer, lalabas na kriminal siya,” paliwanag pa ni Yap.
Ipinangko naman ni Yap na muli silang maghahain ng motion for reconsideration upang paulit-ulit na igiit na unconstitutional ang Cybercrime Law.
Pananggalang kontra batikos
Naglabas rin ng pagkabalisa ang grupong Karapatan at sinabing ang probisyon ng libel sa Cybercrime Law ay lalo lamang magagamit kontra sa mga taong tumutuligsa sa Pangulo, partikular sa mga “anti-people policies” diumano nito.
“The libel provision in the Cybercrime Law will most likely be used against those who criticize President Benigno Aquino’s anti-people policies and programs and those who expose corruption and rights violations. If such would be the case, Aquino’s lies and spins used to cover up the country’s real situation should also be subject of libel for they are far more disastrous to the Filipino people,” ani Karapatan Secretary-General Cristina Palabay.
Noong Oktubre 2012 ay naghain ang Karapatan ng asunto kontra Cybercrime Law sa United Nations sa pamamagitan ni Frank La Rue, ang Special Rapporteur on the Promotion and Protection of the Right to Freedom of Opinion and Expression; at Margaret Sekaggya, Special Rapporteur on the Situation of Human Rights Defenders.
Sinabi ng Karapatan na ang “Cybercrime Law constitutes several violations of international human rights conventions and declarations, including the International Convention on Civil and Political Rights and the UN Declaration on the Protection of Human Rights Defenders of which the Philippines, as a signatory, has the obligation to implement.”
Freedom of expression
Inalmahan rin ito ng media watch group National Union of Journalists of the Philippines at sinabing “a half-inch forward, but a century backward” ang naturang desisyon ng Korte Suprema – “this best describes the Supreme Court’s decision on the petitions to declare the Cybercrime Prevention Act unconstitutional.”
“For while the high court rightly declared a number of provisions of the statute unconstitutional, it otherwise upheld the law and, worse, online libel, thus adding yet another element – ironically the very frontier we all believed would be most immune to attempts to suppress free expression – to an offense that former colonizers had, a hundred years ago, declared criminal in nature to stifle dissent, and which succeeding governments have conveniently retained in our Revised Penal Code for the very same reason and as a convenient tool for the corrupt and the inept in power to harass and muzzle those with the temerity to bring their venalities to light,” ayon pa sa pahayag ng NUJP na ipinadala sa Mindanao Examiner.
“By extending the reach of the antediluvian libel law into cyberspace, the Supreme Court has suddenly made a once infinite venue for expression into an arena of fear, a hunting ground for the petty and vindictive, the criminal and autocratic. We can only hope that the Supreme Court will not remain blind to this when appeals to the ruling are filed. But if it does, then there can only be one response lest we be forced to surrender all our other rights – resistance,” dagdag pa nito.
Samantala, nais naman ni Senador Francis Escudero na i-decriminalize ang libel at amyendahan ang Section 4 ng Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act.
Problema noon pa
Sinabi naman ng Center for Media Freedom and Responsibility na ang “February 18 ruling of the Supreme Court declaring key provisions of the Cybercrime Prevention Act of 2012 (RA 10175) unconstitutional is a victory for free expression. But declaring the provision on libel committed through the Internet constitutional retains one of the most problematic provisions of the Act.”
“The Supreme Court decision is in short a partial victory for free expression. Libel as provided for in the Revised Penal Code, thus remains today as problematic as it has been for over 80 years to press freedom and free expression, and in addition has become an even bigger constraint on free expression when committed online,” dagdag pa nito. (Mindanao Examiner)