ZAMBOANGA CITY – Inireklamo ng isang online shopper sa Zamboanga City ang TV Shop Philippines – TVShop.ph dahil sa diumano’y panggogoyo nito ng bentahan ang biktima ng isang pares ng pekeng sunglasses at kahit pa ilang ulit itong nag-demand ng refund ay dedma pa rin ang naturang kampanya.
Isang pares ng Trans Optics sa halagang P2995 ang binili umano ng biktima noong nakaraang buwan at base sa advertisement ng kampanya ay nagpapalit umano ng kulay ang sunglasses kung mabibilad sa init ng araw – mula light brown at dapat maging dark brown ito dahil sa taglay nitong “transition lenses.”
Ito ang link sa “false advertisement” ng kumpanya sa Trans Optics sunglasses: https://www.facebook.com/tvshop.ph/videos/1834280040210166/
Subalit laking gulat na lamang ng biktima ng kahit isang oras ng babad sa araw ang plastic sunglasses at walang nabago sa lenses nito kung kaya’t agad itong ini-reklamo sa Customer Care ng kampanya na naka-base sa Vision TV Phils, Inc. sa #820, Unit 301 Aralco Bldg sa J.P. Rizal sa Makati City. Nangako umano ang isang Young Rodriguez na ire-refund ang bayad, ngunit hindi naman ito natupad hanggang sa kasalukuyan at puro dahilan na lamang ang tugon sa biktima kahit pa naibalik na nito ang palsipikadong sunglasses sa kampanya noong nakaraang buwan.
Idudulog umano ng biktima sa Department of Trade and Industry ang kaso upang masampahan ng demanda ang kampanya at magsilbing babala sa mga online shops na naglipana sa bansa at nagbebenta ng mga halos China-made na produktong hango sa orihinal na brands. Hindi naman mabatid klung ilan na ang naloko ng kumpanya sa Zamboanga at Mindanao.
Ilang beses na rin nagbabala ang DTI sa publiko ukol sa mga online stores na nagbebenta ng mga pekeng produkto. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper