
Mga parak sa kanilang pagpapatrulya sa karagatan ng Sulu sa katimugan ng bansa. (Mindanao Examiner Photo)
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Oct. 18, 2013) – Wala pa rin balita ang mga awtoridad sa dalawang lalaki na dinukot ng mga armado sa isla ng Siasi sa lalawigan ng Sulu at patuloy ang paghahanap ng pulisya sa mga biktima.
Sinabi ni Senior Superintendent Abraham Orbita, police chief ng Sulu province, na pinaghahanap pa rin nila sina Dr Salladin Teo at Wilfred Ngo – na hinila nitong Martes ng gabi kasama ang dalawang iba pa na sina Bernal Joe and Absuwal Sasapan.
Nabawi ng pulisya noong Miyerkoles ng madaling araw sina Joe at Sasapan sa Baranagay Tagbak sa bayan ng Indanan.
“We are still searching for the remaining captives. The victims were all seized from Dr Teo’s house in Siasi and the gunmen dragged them to a waiting speedboat and escaped. There was a pursuit operation shortly after the abduction and one report claimed the victims landed in (the village of) Luuk Tulay in Pata town where our forces are now deployed,” ani Orbita sa Mindanao Examiner.
Agad rin dinala sa pagamutan ang dalawang napalaya at saka idiniretso sa headquarters ng pulisya upang makunan ng pahayag ukol sa pagkakadukot sa kanila.
Abu Sayyaf ang itinuturo ng mga awtoridad na siyang nasa likod ng pagdukot at posibleng ransom ang motibo nito. Nasa 20 armado umano ang dumukot sa grupo ni Teo sa sariling bahay nito sa Siasi. (Mindanao Examiner)