
COTABATO CITY (Mindanao Examiner / July 19, 2014) – Napatay umano ang provincial planning officer ng lalawigan ng Maguindanao matapos itong tambangan sa Cotabato City.
Ayon sa ulat ay nasa loob ng kanyang sasakyan si Sadat Pandalat at hinihintay ang kanyang anak mula sa paaralan ng ito’y tinrahin ng isa sa dalawang lalaki na nakasakay sa motorsiklo nitong hapon ng Biyernes.
Hindi naman masabi ng pulisya kung sino at ano ang motibo sa pamamaslang habang patuloy ang imbestigasyon sa krimen.
Walang ibinigay na pahayag ang pamilya ni Sadat at maging ang gobernador ng Maguindanao na si Esmael Mangudadatu.
Talamak ang patayan sa Cotabato na iniuugnay naman sa mga hired killers na naglipana doon. Ang Cotabato rin ang sentro ng Maguindanao at naroon ang tanggapan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Minsan na rin na binansagan na “doormat of terrorists” ang Cotabato ni US Ambassador Francis Ricciardone na ikinagalit naman ng mga opisyal doon. (Mark Navales at J. Magtanggol)