Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • “Oplan Gugma” ng Jesus Miracle Crusade, patuloy sa Norte
  • Featured
  • National

“Oplan Gugma” ng Jesus Miracle Crusade, patuloy sa Norte

Chief Editor September 28, 2016

j2 j3 j4 j5 j6 j1

Ilan lamang ito sa maraming aktibidad ng Jesus Miracle Crusade International Ministry sa Cagayan province. 

 

TUGUEGARAO CITY – Umabot sa libo-libong estudyante mula sa ibat-ibang paaralan sa Cagayan province ang nakilahok sa drug symposium na ikinasa ng Jesus Miracle Crusade International Ministry (JMCIM) sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd) at ng Philippine National Police (PNP).

Tanging ang JMCIM ang binigyan ng DepEd ng ekslusibong permiso na magsagawa ng drug symposium sa mga publikong paaralan at malaki ang naitulong ng maimpluwensyang apostolic church upang maipaliwanag sa mga estudyante – high school and kolehiyo – ang masamang epekto ng droga.

Binansagang “Oplan Gugma” (Operational Plan Pag-Ibig), hindi lamang mga paaralan ang target ng JMCIM, ngunit maging mga komunidad sa malalayo at liblib na lugar at maging sa mga miyembro ng New People’s Army,  at ng pulisya at militar, ayon pa kay Brother Danny Cuarteros, isa sa mga orihinal na prayer warriors na siyang nangunguna sa pagpapakalat ng salita ng Diyos.

Pinasalamatan rin ng DepEd at PNP, at ng Philippine Army ang JMCIM sa pagtulong nito sa pamahalaang Duterte sa pamamagitan ng adbokasiya nito na Oplan Gugma. 

Kaliwa’t-kanan rin ang krusada ng grupo ni Brother Cuarteros at malimit itong abutin ng madaling araw sa kanilang pag-uwi at kasama nito ang asawang si Sister Jeany at kanilang mga anak na miyembro rin ng JMCIM choir – partikular sa tuwing bumibisita sa Marag at Zinundungan Valley. At maging mga ilog at kabundukan ay sinusuong nito upang maisagawa ang misyon – ang kautusan ng Panginoon para sa kaligtasan ng sambayanan at kanyang mga nilalang.

Regular rin ang bible study at values transformation na isinasagawa nito sa mga kampo ng militar at pulisya. Marami na rin nasagip na kaluluwa ng mga taong lulon sa droga o naligaw ng landas si Brother Cuarteros matapos silang mabapstismuhan at tanggapin ang turo at salita ng Diyos.

Palaging sinasambit ni Brother Cuarteros ang mga turo sa kanya ni Pastor Wilde Estrada Almeda, ang founder ng JMCIM, na siya umanong nagsisilbing gabay sa bawat hakbang sa kanyang paglalakbay upang palaganapin ang mga salita ng Diyos. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: US names first ambassador to Cuba in more than 50 years – Al Jazeera
Next: ARMM defends budget, proves mettle in house committee hearing

Related News

Official-Artwork-for-PR2025-14
  • National

Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA

Editor July 1, 2025
Livestock-Aquaculture5
  • National

Innovative Solutions for Sustainable Agri-Fishery: Spotlight on Technology at Livestock and Aquaculture Philippines 2025

Editor June 25, 2025
PCO-SWC1
  • National

PCSO Holds 1st Social Workers Conference to Strengthen Charity Services

Editor June 25, 2025

Trending News

Visa Stays Ahead of the Curve in AI-Driven Commerce in the Philippines Jeffrey-Navarro,-Country-Manager,-Visa-Philippines 1
  • Business

Visa Stays Ahead of the Curve in AI-Driven Commerce in the Philippines

July 1, 2025
Singapore Airlines Group continues progress on Decarbonisation Journey with Neste and World Energy Agreements Singapore-Airline 2
  • Business

Singapore Airlines Group continues progress on Decarbonisation Journey with Neste and World Energy Agreements

July 1, 2025
Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA Official-Artwork-for-PR2025-14 3
  • National

Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA

July 1, 2025
Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage Michael-Harris-Conlin 4
  • Sports

Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage

June 30, 2025
Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore CKD1 5
  • Health

Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore

June 27, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.