CEBU CITY – Isang lantsa ang lumubog ngayon araw sa karagatan ng Ormoc sa kalagitnaan ng masamang panahon at mahigit sa isang dosenang pasahero na umano ang nai-ulat na nasawi.
Ayon sa ulat, overloaded diumano ang MV Nirvana at may lulan itong mahigit sa 150 katao ng maganap ang trahedya. Posible pang tumaas ang bilang ng pasahero dahil karamihan sa mga ito ay wala sa manifesto o talaan ng mga sumakay.
Galing sa Ormoc City sa lalawigan ng Leyte ang lantsa at patungo ito sa Cebu ng tumagilid sanhi na rin ng mabigat na lulan nito at malakas na hangin.
Hindi rin umano nakasuot ng life vest ang karamihan sa mga pasahero, subali’t hindi naman mabatid kung paanong nakalusot ito sa Coast Guard at kung bakit pumalaot sa gitna ng nag-ngingitnit na panahon.
Walang makuhang pahayag sa kung sino ang may-ari ng lantsa. (Cebu Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/
Share The News