ZAMBOANGA CITY – Humihingi ng P100 milyon ransom ang Abu Sayyaf kapalit ng paglaya ng 5 Malaysian crew ng tugboat na dinukot sa Sabah nitong Hulyo lamang.
Mismong ang Abu Sayyaf ang tumawag gamit ang cell phone sa pamilya ng kapitan ng tugboat na si Mohd Ridzuan Ismail, 32, upang ipabatid ang kanilang ransom demand.
Nakilala ang iba pang kasamahan Ismail na sina Tayudin Anjut, 45; Mohd Zumadil Rahim, 23; Fandy Bakran, 26; at Abd Rahim Summas, 62. Nagpadala pa ng larawan ang Abu Sayyaf na nagpapakita sa bihag na si Summas na napapaligiran ng mga armadong Abu Sayyaf.
Nagiipon na umano ng pera ang mga pamilya ng biktima upang mabayaran ang Abu Sayyaf at palayain nito ang lahat ng mga bihag. Wala naman pahayag ang militar ukol dito at hindi rin nito alam ang nagaganap sa pagitan ng mga pamilya ng biktima at Abu Sayyaf. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper