CAGAYAN DE ORO CITY – Inararo ng buhawi ang isang lugar sa Butuan City na kung saan ay nasira ang mga bubungan ng paaralan doon kung kaya’t suspendido muna ang klase.
Ngayon ay patuloy pa rin ang paglilinis sa Barangay Libertad na kung saan ay hindi muna pinapasok ang mga estudyante sa Libertad Central Elementary School dahil sa nagkalat na mga sanga ng punongkahoy at iba pang mga debris.
Wasak rin ang ilang bubungan sa paaralan kung kaya’t kinailangan pang palitan o ipagawa ito matapos na bayuhin ng ipo-ipo ang lugar kamakalawa. Walang inulat na nasaktan sa naturang insidente.
Posibleng makapasok na ngayon Miyerkoles ang mga estudyante kung maagang matatapos ang paglilinis sa paaralan.
Ang ipo-ipo ay nabubuo kung ang malamig o mamasa-masang hangin mula sa kalupaan ay umakyat sa kalangitan at sumanib sa mas maiinit na hangin doon at magsimulang umikot. At dahil sa lakas ng puwersa nito ay maaaring itong magdulot ng malaking pinsala sa kapaligiran. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News