
DAVAO CITY (Mindanao Examiner / June 4, 2012) – Extended ang baskasyon ng mga magaaral sa bayan ng Sulop sa Davao del Sur province matapos na masunog ang paaralan.
Ayon sa mga ulat ay tinupok ng apoy ang gusali ng Solong Valley Elementary School sa bisperas ng pasukan kahapon.Hindi pa mabatid ang dahilan ng sunog, ngunit patuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa naganap.
Nabatid na nagsimula diumano ang apoy sa silid ng Grade 6 na gawa naman sa kahoy at mabilis itong kumalat sa katabing mga kuwarto. Hindi pa malinaw kung paano ang pagtuturo ng mga guro sa estudyante matapos na maabo ang paaralan.
Posible umanong ipagpaliban muna ang mga klase ng apektadong estudyante o kaya ay hanapan na lamang ng ibang lugar ang mga ito upang matuloy ang pagtuturo. (Mindanao Examiner)