Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Paaralan sa Sulu, todo ang pasasalamat sa proyektong natanggap!

Paaralan sa Sulu, todo ang pasasalamat sa proyektong natanggap!

Editor March 19, 2013
at-Sali-Ututalum-Elementary-School-7-copy

  

 Ang inagurasyon ng covered court sa Salih Ututalum Elementary School sa lalawigan ng Sulu na pinangunahan ni Gov. Sakur Tan. At ang donasyon ng mga desk a upuan sa Hajji Hasiman Elementary School. (Mindanao Examiner Photo – Ahl Salinas)

SULU (Mindanao Examiner / Mar. 19, 2013) – Pormal ng inanigurahan ni Sulu Gov. Sakur Tan ang isang covered court ng Salih Ututalum Elementary School sa naturang lalawigan.

Sinabi ni Tan na simula pa lamang ang inagurasyon ng covered court dahil ipinag-utos pa nito kay Sulu Provincial Engineer Abdurasad Baih ang pagpapaayos ng playground ng paaralan upang mapaluwag ito at mabigyan ng kasiyahan ang mga estudyante sa kanilang break time.

“Marami tayong mga proyekto at hindi lang puro pabahay at infra projects, kundi maging mga paaralan ay talagang tinututukan natin dahil napakahalaga talaga ng edukasyon para sa lahat,” ani Tan.

Ayon kay sa principal ng Salih Ututalum Elementary School na si Hajji Abdujilan Jimlan ay lamaking tulong sa kanila at sa mga magulang ng estudyante ang ibinigay na covered court ni Tan dahil hindi na umano sila mangungupahan ng mga venue para sa graduation at iba pang mga pagdiriwang o meeting ng paaralan.

“Naku talagang dream come true ito sa aming lahat at lubos ang pasasalamat namin kay Governor Sakur Tan sa kanyang pagtulong sa mga estudyante at sa school,” wika pa ni Jimlan.

Malaki umano ang ginagasta noon ng paaralan sa mga inaarkilang venue para sa ibat-ibang school activities, ngunit malaking katipiran naman ngayon sa gastusin ang inaasahan ng lahat dahil sa covered court.

Naipagawa na rin ni Tan ang compound ng paaralan at hindi na ito binabaha. Noon kalimitan kapag umuulan ay lubog sa tubig ang nasabing lugar, at kung tag-init naman ay babad sa araw ang mga guro at estudyante sa tuwing may assembly doon. 

“This is legacy not only for the students of Salih Ututalum para sa atin din lahat,” ani Jimlan.

Sa panig naman ni Tan ay pinasalamatan naman nito ang mga estudyante dahil sa ipinamamalas nilang interest sa pagaaral. Ang mga kabataan at edukasyon ang ilang lamang sa mga pangunahing prayoridad at programa ni Tan mula ng maging governor ito sa lalawigan.

Naantig naman ang damdamin ni Tan sa init na pagsalubong sa kanya ng mga estudyante at guro at hanggang sa kanyang paglisan ay iwinawagayway pa ng mga bata ang kanilang munting mga bandera at nakasulat doon ang taus-pusong pasasalamat sa kabaitan ni Tan.


Nagbigay rin si Tan ng 300 mga desks at upuan para sa Hajji Hassiman Elementary School sa bayan ng Jolo. Tulad sa Salih Ututalum Elementary School ay dinagsa rin ng estudyante at guro ang pagdating ni Tan upang pasalamatan ito sa kanyang kabutihan.
Tinanggap ni Said Bakil, ang principal ng paaralan, ang donasyon ni Tan at pulos pasasalamat ang sambit nito sa malaking tulong na dumating sa kanila. Malaki umano ang kakulangan ng desk at upuan sa nasabing paaralan kung kaya’t todo rin ang pasasalamat ng lahat.
Matatandaang nasunog ang paaralan nuong nakaraang taon at lubhang naapektuhan ang mahigit sa 800 estudyante doon. May 18 classrooms ang paaralan, ayon kay Bakil at noon ay nagdadala ang mga estudyante ng sarili nilang upuan dahil sa malaking kakulangan nito sa paaralan.
Sinabi naman ni Dalma Madain, Grade 3 pupil, na malaking tulong sa kanila ang mga upuan at makakapag-aral na sila ng maiigi. “Makapag iskul na kita marayaw, din a kita mag angkulsin lilingkuran ta daeng ha bay’ yanun ku hi inah ku sin aun na lingkuran ta dihil sin gubnor,” bulong pa ni Dalma sa kanyang kaklaseng si Radzha Amdun.
Nakihalubilo rin si Tan sa mga bata habang nasa paaralan at hinimok ang mga estudyanteng mag-aral ng maiigi upang maging responsableng mamamayan at upang makatulong sa kanilang mga magulang kapag sila’y nagtapos na. 

Kulang o halos walang tulong na nakukuha ang mga paaralan sa Sulu mula sa Department of Education sa Autonomous Region in Muslim Mindanao. (Mindanao Examiner. Ahl Salinas)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Malaysia goes for the ‘kill,’ sends more military forces to hunt Sulu Sultanate members
Next: Meet Mindanao, our mascot!

Trending News

Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA Official-Artwork-for-PR2025-14 1
  • National

Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA

July 1, 2025
Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage Michael-Harris-Conlin 2
  • Sports

Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage

June 30, 2025
Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore CKD1 3
  • Health

Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore

June 27, 2025
Canon empowers students with affordable, reliable printing solutions Back to School Media Event 6 (1) 4
  • Business

Canon empowers students with affordable, reliable printing solutions

June 26, 2025
Ahead of the Curve: Moda Interni and Pedini Debut the Most Curved, Luxurious Kitchen in the Philippines Goldwin_and_Francesco_1 .jpeg 5
  • Business

Ahead of the Curve: Moda Interni and Pedini Debut the Most Curved, Luxurious Kitchen in the Philippines

June 26, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.