
DAVAO DEL NORTE – Magiging una sa paggamit sa naturang teknolohiya sa Pilipinas ang Tagum City, na kung saan ay sa Hijo River na kukuha ng supply ng tubig, upang mas marami pa ang maseserbisyuhan sa nasabing syudad.
Sa pagpupulong na isinagawa kamakailan ng Tagum Water District (TWD), aabot umano sa P527 milyon ang kinakailangan upang maisakatuparan ang proyekto.
Dalawang ilog na pinagpilian ng TWD – ang Tagum River at ang Hijo River – ngunit sa inilabas na datus ng Philippine National Standards for Drinking Water, lumitaw sa kanilang pagsusuri na maraming mga nagatibong resulta ang Tagum River at mas mababa rin daw ang water level.
Ang teknolohiyang Riverbank Filtration (RBF) na gagamitin ay may diameter na 5 meters – 6 meters, at may lalim na 15 meters – 20 meters, bagaman ang teknolohiyang ito ay hindi na raw bago sapagkat ginagamit na ang prosesong ito ng mga taga ibang bansa at existing na ng halos 100 taon.
Dagdag pa ng TWD, nasa 13 barangay lang umano ang kanilang naseserbisyuhan sa ngayon, ngunit sa tulong ng teknolohiyang RBF ay mas mapaparami pa ang mga lugar na matutugunan sa pangangailangan ng tubig, at target rin nila na sa taong 2021 ay makapagserbisyo ang TWD ng 19 na barangay.
Sa susunod na taon ay posible na raw pasimulan ang konstraksyon sa nasabing proyekto, kapag wala umanong magiging aberya sa pagaasikaso sa mga kakailanganing dokumento sa naturang proyekto. (Jayson Mag-usara)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
https://mindanaoexaminer.com/ad-rates