ZAMBOANGA CITY – Ipinagutos kahapon ng pulisya ang malalim na imbestigasyon sa pagkakapatay sa isang babeng parak na tinadtad ng bala sa Zamboanga City.
Pinaslang si PO1 Peggy Lynne Vargas nitong Lunes habang kausap ang dalawang babae sa Barangay Vitali. Nabatid na ang 40-anyos na parak ay isa sa 14 na mga sinibak sa puwesto sa National Capital Region dahil sa diumano’y pagkakasabit nito sa ilegal na droga at itinapon sa Zamboanga City.
Inaalam pa kung may kinalaman sa mga kaso sa droga na hinawakan ni Vargas sa NCR, ayon kay Senior Superintendent Luisito Magnaye, ang hepe ng pulisya sa Zamboanga.
Sinabi naman ni Magnaye na “multi-awarded” umano si Vargas dahil sa mga operasyon kontra droga noon ito ay nasa NCR pa.
Kausap ni Vargas sina Maria Socorro at Alona Zamonte di-kalayuan sa kanyang boarding house ng dumating ang dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo at bigla itong pinaputukan. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya ay 9 na bala mula sa .45-caliber pistol ang bumaon sa katawan ni Vargas na tubong-Marilao sa Bulacan. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper