
COTABATO CITY – Isang malakas na bomba ang nadisarmahan ng militar matapos itong madiskubre bago pa man sumabog sa mataong bahagi ng bayan ng Kabacan sa North Cotabato province.
Sinabi ni Capt. Jo-ann Petinglay, angb tagapagsalita ng 6th Infantry Division, ay isang sibilyan ang naka-diskubre ng bomba at agad itong ipinag-bigay alam sa mga awtoridad. Mabilis rin ang responde ng mga sundalo at parak kung kaya’t agad inilikas ang mga sibilyan at saka dinisarmahan ang bomba.
Iniwan ang bomba sa Simuay Hardware, ayon kay Petinglay. “The EOD team successfully diffused the IED. Its components are still yet to be confirmed,” ani Petinglay sa Mindanao Examiner.
Hindi naman mabatid kung may kinalaman ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa bigong pambobomba.
Naglunsad ang ang militar ng all-out war kontra BIFF na siyang nasa likod diumano ng mga pambobomba at atake sa North Cotabato at Maguindanao. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News