
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Aug. 6, 2012) – Umani ng maraming pakikiramay kahapon ang pamilya ng isang senior nursing student ng Western Mindanao State University sa Zamboanga City na kabilang sa tatlong nasawi sa pamamaril sa magulong lalawigan ng Basilan.
Naganap ang karahasan di-kalayuan sa kampo ng Special Action Force ng pulisya sa Lamitan City nitong Linggo ng hapon lamang at kabilang sa mga nasawi ay si Arden Eve Ortega Medina. Dalawang iba pa ang sugatan sa nasabing pamamaril.
Hindi pa mabatid ang tunay na naganap at maging ang pulisya ay hindi naglabas ng anumang pahayag ukol sa naganap. Ngunit may mga ulat na niratrat umano ng isang lalaki na may suot na camouflage ang mga biktima.
Halos hindi naman makapaniwala ang mga kaibigan at kaklase ni Arden sa naganap sa kanya.
“R.I.P ARDEN.. even though I haven’t met you in person, but with all of your mom’s stories about you, u have been a sister to me,” ani Karla Marie Austria sa Facebook account ni Arden.
Ang isa ay nagpasalamat pa kay Arden sa ibinigay nitong pagkain sa kanya nuong ito’y buhay pa.
“Tita arden 🙁 i will miss you.. I love you thanks for all. You’re such a great person many people loves you and i hope that ure in a good hands of god. We met last july 14,2012 and thnx for the choco mucho.u gave to me..last msg to you gudluck to your new journey! God has a purpose. Farewell tita arden!,” wika ni Tracy Masog.
“I just can’t believe your gone:(.. di ba we were talking pa about your exam.. and you’re keep on asking me all the question you remember? your waiting pa nga for the result,” sabi pa ni Meileen Francisco.
Hustisya naman ang hinihingi ng maraming kaibigan ni Arden sa karahasang naganap sa kanya.
Ang huling entry naman ni Arden sa kanyang Facebook account ay ang iniwan nitong “like” sa larawan ng bagong kasal na si Jessely Bernardo nuong Agosto 2 – tatlong araw bago ito napatay.
“Tnx2..na like..hehe,” ani Bernardo kay Arden. (Mindanao Examiner)