
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Nov. 30, 2012) – Dalawang katao ang dumulog sa Mindanao Examiner upang i-reklamo ang Globe Telecom sa Zamboanga City dahil sa umano’y kapalpakan ng serbisyo nito.
Unang nagsumbong ang isang negosyanteng babae at ayon sa kanyang pahayag ay nag-apply umano ito ng tatlong linya sa ilalim ng promo na My Super Plan – Family Combo sa halagang P1799 bawat buwan para sa tatlong unit ng Blackberry 9220.
Matapos na makapagsumite ng kanyang mga requirements, kabilang ang bank statement, proof of billing, income tax returns at business permit sa opisina ng Globe Telecom sa Barangay San Jose ay na-aprubahan agad ito.
Pinagbabayad pa ng Globe Telecom ang negosyante ng karagdagang P120 para sa tatlong SIM cards. At ng kukunin na umano ang mga cell phone units ay sinabi naman ng isang sales representative na nagpakilalang si Mike ay na dapat umano ay personal bank statement ng negosyante at sarili nitong income tax returns ang isumite sa Globe Telecom.
Sinabi naman ng negosyante na siya ang may-ari ng kumpanya at nasa business permit ang pangalan nito, ngunit dedma lamang ang Globe Telecom.
“Approved na nga yun application ko at kumpleto lahat ng requirements ko kaya nga pinakukuha na ng Globe ang mga cell phone and then suddenly humingi na naman ng kung anu-anong mga requirements gayun ako naman anbg may-ari ng kumpanya,” paliwanag pa ng negosyante.
Sa inis naman ng reklamante ay kinuha na lamang nito ang alok ng ahente ng Smart Communications sa kaparehong family plan.
Ito rin ang reklamo ng isa pang existing Globe subscriber na nagsabing nag-apply rin ito ng My Super Plan – Family Combo sa hotline at nag-email ng kanyang ID bilang pruweba ng kanyang identipikasyon.
Ngunit laking gulat na lamang ng makatanggap ng abiso na kanselado ang kanyang application dahil sa hindi umano ito nagsumite ng proof of billing at kung anu-ano pang mga dokumento gayun matagal na itong subscriber ng Globe Telecom.
Sa katunayan aniya ay tatlo ang existing lines nito sa Globe at lahat ng accounts ay updated ang mga bayad buwan-buwan kung kaya’t nagtataka ito kung bakit hindi inaprubahan ang kanyang bagong application.
“Bobo yata ang mga account representatives ng Globe Telecom at kahit existing subscriber ka na at may records na sila ng iyong mga previous transactions and so on ay ang dami pa nilang hinihingi kung anu-ano. Simple logic will them na they have all my records so why do they need to ask for the same thing? Tanong pa nito.
Maraming reklamo ang Globe Telecom sa Zamboanga City – mula sa kanilang mga palpak na serbisyo at sales promotion hanggang sa erratic signal nito na siyang pangunahing sakit sa ulo ng maraming mga subscribers.
Ang Smart Communications naman ang may pinakamaraming subscribers sa Zamboanga City kasunod lamang ang Globe Telecom at pangatlo ang Sun Cellular. (Mindanao Examiner)