ZAMBOANGA CITY – Napigil ngayon Linggo ng pulisya ang pagsabog ng isang bomba na itinanim sa tulay ng Lamitan City sa Basilan province sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ayon sa pulisya, nasa isang backpack ang bomba na gawa mula sa isang mortar round na ikinabit sa blasting cap at cell phone at iniwan sa nasabing tulay sa Barangay Balagtasan.
Agad naman itong nadisarmahan ng pulisya. Hindi pa mabatid kung sino ang nasa likod nito, ngunit ilang beses ng binomba ng Abu Sayyaf ang Lamitan sa mga nakaraang atake nito.
Walang umako sa bigong pambobomba at hindi naglabas ng pahayag ang mga lider ng pamahalaang lokal doon. (Mindanao Examiner)
Share Our News
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper