
KIDAPAWAN CITY (Mindanao Examiner / July 19, 2012) – Isang buong pamilya ng overseas Filipino worker at kanilang katulong ang nasawi kahapon matapos na makulong sa sariling bahay habang ito’y nasusunog sa lungsod ng General Santos sa Mindanao.
Pinaniniwalaang nasa kasarapan ng tulog ang mga biktima ng masunog ang kanilang bahay dakong alas 3 ng madaling araw sa Gensanville Subdivision sa Barangay Bula.
Nakilala naman ang mga nasawi na si Leonor Barace at mga anak nitong sina Andrew, 8; Minjil, 11; Adrian, 16; at ang katulong na si Judith.
Na-trap umano ang mga biktima kung kaya’t hindi agad na nakalabas. Nabatid na maging ang gate ng kanilang bayay ay naka-kandado rin kung kaya’t nabigo ang mga kapitp-bahay na mailigtas ang mga biktima.
Ang masakit pa nito ay kaalis lamang ng asawa ni Leonor patungong Dubai sa United Arab Emirates na kung saan ito ay nagtatrabah bilang isang engineer.
Hindi pa mabatid ang dahilan ng sunog at kung naipaalam na ba sa asawa ang trahedyang sinapit ng kanyang pamilya. (Mindanao Examiner)