
PAGADIAN CITY (Mindanao Examiner / July 30, 2014) – Isang parak ang dinakip ng police intelligence at ng PDEA agents matapos nitong bentahan diumano ng hinihinalang shabu ang isang undercover cop sa Pagadian City sa Zamboanag del Sur.
Kinilala naman ni Insp.Dahlan Samuddin, ang regional police spokesman,ang dinakip na si PO2 Murphy Mangubat.
Sinabi ni Samuddin na ang anti-drug sting operation ay inilunsad ng Police Intelligence Branch ng Zamboanga Del Sur Police Provincial Office sa pangunguna ni Chief Inspector Restituto Pangusban at ng Philippine Drug Enforcement Agency matapos na mabisto ang diumano’y ilegal na aktibidad ni Mangubat.
Nadakip ito sa Kagawasan Village kamakalawa ng hapon matapos na bentahan ng droga sa halagang P500 ang isanfg PDEA agent. Nabawi sa suspek ang 7 sachet ng diumano’y shabu, walong aluminum foil, isang .45-caliber pistol at 17 bala at maging ang motorsklo ng parak na ginagamit nito sa kanyang pagbebenta ng droga.
Sinabi ni Samuddin na mahigpit ang kautusan ng pulisya sa mga lumalabag sa batas at kahit miyembro umano ng kapulisan ay walang sasantuhin ang liderato ng Philippine Nationa Police. (Mindanao Examiner)