
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Dec. 16, 2012) – Isang parak ang pinatay ng mga armadong kalalakihan sakay ng motorsiklo matapos ng mahabang habulan sa isang barangay sa Zamboanga City.
Kinilala naman ng pulisya ang biktima na si SPO1 Raymond Dalida, na naka-destino sa Police Security and Protection Group.
Napaslang ito sa Barangay Lunzuran gabi ng Biyernes at ayon sa mga saksi ay narinig nilang sumigaw ang mga armado sa parak na ibalik ang kanilang salapi.
inabi naman ni Senior Superintendent Edwin de Ocampo, hepe ng lokal na pulisya, na posibleng konektado sa Aman investment scam ang krimen. Mahigit P12 bilyon ang natangay ng Aman Futures mula sa mga investors nito sa Mindanao.
Patuloy ang imbestigasyon sa pamamaslang sa parak upang mabatid kung may koneksyon ito sa scam o naging ahente ng Aman Future na pagaari ni Malaysian national Manuel Amalilio na ngayon ay nagtatago sa Sabah matapos na gumuho ang kumpanya nito.
Ilang parak rin ang nagsilbing bodyguards ni Amalilio sa kasagsagan ng kanyang raket sa Zamboanga del Sur. (Mindanao Examiner)