Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Parak niratrat ng ‘riding-in-tandem’ sa Dapitan City

Parak niratrat ng ‘riding-in-tandem’ sa Dapitan City

Editor September 15, 2014
PNP-2B2-2Bcopy11

DAPITAN CITY – Isang parak ang itinumba ng dalawang armado na sakay ng motorsiklo sa Dapitan City sa Zamboanga del Norte province.

Kinumpirma ito kahapon ni Insp. Dahlan Samuddin, ang regional police spokesman, at sinabing patuloy ang imbestigasyon sa kaso. Kinilala rin nito ang biktima na si PO3 Ardie Galleposo, 43, at naka-destino sa bayan ng Mutia, ngunit residente ng Dapitan.

Naganap ang pamamaril sa parak kamakalawa ng hapon habang bumibili sa tindahan si Galleposo sa Barangay Polo.

Nakasuot lamang ng asul na bull cap ang mga salarin na pawing armado pa ng nikiladong .45-kalibre pistol, ayon sa mga nakasaksi sa pamamaslang sa parak.

Malapitan umano ng tinira ng mga salarin si Galleposo at mabilis na tumakas sakay ng Honda XRM. Nabawi sa lugar ang 3 basyo ng bala, sabi ni Samuddin.

Hindi pa mabatid kung may kinalaman ang rebeldeng New People’s Army sa atake o sindikato. (Mindanao Examiner)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Davao City VIP Parking Area
Next: Negosyante itinumba sa harapan ng mga anak sa Zambo Sur

Trending News

DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental Anna-Rosal-Verga 1

DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental

May 20, 2025
Two new Begonia species discovered in Davao Oriental Begonia1 2

Two new Begonia species discovered in Davao Oriental

May 20, 2025
Tourism driving change in Isabela City de Basilan basilan 3

Tourism driving change in Isabela City de Basilan

May 20, 2025
Filipinos in Hong Kong warned against offers of surrogacy jobs DMW-logo 4

Filipinos in Hong Kong warned against offers of surrogacy jobs

May 20, 2025
PH scores record P1.18-B sales leads at Arabian Travel Market 2025 TPB2 5

PH scores record P1.18-B sales leads at Arabian Travel Market 2025

May 20, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.