
BASILAN (Mindanao Examiner / Feb. 23, 2012) – Isang parak ang niratrat ngayong umaga sa lungsod ng Lamitan sa magulong lalawigan ng Basilan at agad itong isinugod sa pagamutan dahil sa tama ng bala sa katawan, ayon sa ulat ng pulisya.
Hindi pa mabatid ang lagay ng parak at kung sino ang nasalikod ng atake. Hindi rin inilabas ng pulisya ang pangalan ng biktima upang pangalagaan ang seguridad nito at ng pamilya, ngunit ayon sa ibang ulat ay nakilala ito bilang si SPO2 Ramon Lahaman.
Naka-assign umano ito sa Warrant Section ng pulisya sa Lamitan. Naganap ang atake sa Barangay Limook bago mag-tanghali at inaalam pa ng mga awtoridad kung may kinalaman sa kanyang trabaho o away-pamilya ang motibo ng pamamaril.
Talamak ang rido o clan war sa Basilan sa pagitan ng mga magkakalabang Muslim at kalimitan ay umabot ito ng lang taon. (Mindanao Examiner)