SULU – Isang parak ang sugatan matapos itong mabaril ng isa umanong drug pusher sa isinagawang drug bust sa lalawigan ng Sulu.
Nadakip naman ang suspek na si Sidimar Abduhadi at nabawi sa kanya ang 7 sachet ng hinihinalang shabu at isang .38-caliber revolver at mga bala matapos itong masukol sa Barangay Tinga sa bayan ng Talipao.
Kasama sa operasyon ang mga sundalo na miyembro ng Joint Task Force Sulu.
Hindi namabn kinilala ng pulisya ang sugatang parak, ngunit nasa pagamutan ito sa bayan ng Jolo dahil sa isang tama ng bala sa katawan. Hindi naman mabatid kung may koneksyon sa Abu Sayyaf ang nadakip. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper