COTABATO CITY – Isang parak ang napatay at isa pa ang sugatan matapos na umano’y tambangan sila ng mga armadong kalalakihan sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan sa magulong lalawigan ng Maguindanao.
Ayon sa ulat, nakasakay umano sa motorsiklo ang dalawang parak at patungo sa terminal ng bus mula sa kanilang detachment ng paulanan sila ng bala. Parehong miyembro ng Regional Public Safety Battalion ang dalawang parak na naka-destino sa nasabing bayan.
Nabatid na parehong Muslim ang mga parak at hindi pa mabatid ang motibo sa pananambang at kung sino ang nasa likod nito.
Kaliwa’t-kanan ang atake sa ibat-ibang lugar sa Maguindanao at halos lahat ng mga ito ay ibinibintang sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, ngunit ilan sa mga pananambang ay kagagawan naman ng mga sibilyan na sinasabing supporters ng BIFF. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/
Share The News