
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / May 21, 2014) – Isang parmasya ang inireklamo sa Zamboanga City dahi sa diumano’y over pricing ng ibinibentang gamot nito.
Partikular na inireklamo ang branch ng Cecile’s Pharmacy sa Barangay Guiwan na katapat lamang ng bus terminal dahil sa pagbebenta ng gamot na 10mgs Montemax (Montelukast) sa halagang P38.50 samantalang P34.80 lamang ito sa kakumpitensyang Joan’s Pharmacy.
“Pare-pareho ang presyo ng gamot namin sa ibang branches ng Cecile’s Pharmacy,” ani pa ng isang tindera ng tanungin ng Mindanao Examiner ukol sa mahal na presyo ng gamot nito.
Nanawagan naman ang nagreklamong customer sa Department of Trade and Industry na tignan ang mga presyo ng gamot ng Cecile’s Pharmacy kung ito ba ay batay sa “suggested retail price.”
Ang Montemax ay isang gamot para sa asthma at allergies.
Bukod sa ganitong problema ay pangunahing reklamo pa ng mga iba ay ang hindi pagbibigay ng diskwento ng ibang mga parmasya sa mga senior citizens sa Zamboanga at kalimitan ay idinadahilan na walang stock ang mga gamot na binibili. (Mindanao Examiner)