
TUGUEGARAO CITY (Mindanao Examiner / Dec. 12, 2012) – Isang paslit ang walang-awang pinatay ng ama-amahan nitong lulong sa droga sa lungsod ng Tuguegarao at ngayon ay nahaharap ito sa kasong kriminal matapos na madakip ng pulisya.
Kinilala naman ni Senior Superintendent Gregorio Lim, ang director ng Cagayan Provincial Police Officer, ang akusado na si George Panaga, 39, isang tricycle driver.
Nabatid na tinangka pa ni Panaga na iligaw ang imbestigasyon sa krimen ng sabihin nitong namatay sa aksidente ang paslit, ngunit nadiskubre naman ng pulisya na tadtad ng saksak ang katawan ng bata.
Nabatid na niyaya umano ni Panaga ang paslit upang mamasyal. Posibleng napag-tripan ni Panaga ang paslit kung kaya’t pinaslang ito. (Francis Soriano)