
Isang kandila lamang ang nagbibigay ng liwanag sa tindahan na ito sa Kidapawan City sanhi ng kawalan ng kuryente. (Mindanao Examiner Photo – Geonarri Solmerano)
KIDAPAWAN CITY (Mindanao Examiner / Oct. 22, 2012) – Wala pa rin humpay ang talamak na blackout sa lungsod ng Kidapawan at halos ilang oras ang itinatagal ng kawalan ng kuryente na ngayon ay umaapekto ng malaki hindi lamang sa mga mamamayan, kundi maging sa mga negosyante.
Tinawagan naman ng Sanguniang Bayan dito ang pamunuan ng Cotabato Electric Cooperative upang magpaliwanag sa krisis na ngayon ay bumabalot sa lungsod.
Halos bahain na rin ng reklamo ang Cotabato Electric Cooperative mula sa mga galit at inis na residente dahil sa perwisyong dulot ng paulit-ulit na blackout araw-araw.
Hindi lamang Kidapawan ang apektado ng blackout, kundi buong Mindanao at ang ibang mga lugar ay halos 8 oras na walang kuryente. Isinisi naman ng mga kooperatiba ang blackout sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao. (Geonarri Solmerano)