Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Health
  • PhilHealth’s New Benefits for Post-Kidney Transplantation Services
  • Health
  • National

PhilHealth’s New Benefits for Post-Kidney Transplantation Services

Editor June 19, 2025

ANG SAKIT sa bato o Chronic Kidney Disease (CKD) ay isa ngayon sa mga pangunahing sakit sa bansa — isa sa bawat tatlong Pilipino ay posibleng magkaroon nito. Dahil sa mahabang gamutang kaakibat nito, naaapektuhan ng sakit sa bato ang iba’t ibang aspeto ng buhay ng mga pasyente: ang kanilang mga trabaho, kalidad ng pamumuhay, at lalo na ang kanilang mga naipundar.

Kaya naman, sa direksyon ng Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., patuloy na pinalalawig ng PhilHealth ang mga benepisyo nito lalo na para sa pagpapa-dialysis, kidney transplantation, at ngayon, pati na rin para sa tuloy-tuloy na gamutan at pagpapasuri ng pasyente upang panatilihing tagumpay ang operasyon.

Nais natin na maging dito ay wala ng alalahanin ang ating mga kababayan nang sa gayo’y pagpapalakas na lamang ang kanilang tututukan. Kaya naman, ating binabahagi ang dalawang bagong benepisyo ng PhilHealth: Z Benefits Package para sa Post-Kidney Transplantation Services, isang para sa mga bata at isa sa mga mas nakatatandang mga Pilipinong nakatanggap ng bagong bato mula sa mga donor.

Sa ilalim ng bagong benepisyo para sa mga bata, ilan sa mga babayaran ng PhilHealth ay:

  1. Php 73,065 sa kada-buwan na immunosuppressive medications para sa unang taon at Php 41, 150 kada-buwan sa mga susunod na taon;
  2. Hanggang Php 45, 570 na kada-buwan na drug prophylaxis o antibiotic para makaiwas sa impeksyon;
  3. Php 37,585 sa bawat tatlong buwan na pagpapa-laboratoryo para sa unang taon at Php 14,078 naman sa kada-tatlong buwan para sa mga susunod na taon;

at maraming pang ibang serbisyong naka-detalye sa polisiyang ilalabas ng PhilHealth.

Para naman sa mga mas nakatatanda, edad 19 o higit pa, ilan sa mga babayaran ng PhilHealth ay:

  1. Php 40, 725 sa kada-buwan na immunosuppressive medications;
  2. Php 18, 932 para sa anim na buwan na gamutan;
  3. Php 11,242 para sa bawat tatlong buwan na pagpapa-laboratoryo para sa unang taon at Php 8,125 naman sa kada-tatlong buwan para sa susunod na taon;

at iba pang mga serbisyong naka-detalye sa polisiyang ilalabas ng PhilHealth.

Sa ilalim ng parehong post-Kidney Transplant Services benefits ay makatatanggap na rin ng suporta ang mga nagmagandang loob na mag-donate ng kanilang bato. Ang mga living donors para sa mga bata at mga mas nakatatanda ay parehong makatatanggap ng Php 1,900 para sa kada-anim na buwan na pagpapa-laboratoryo at monitoring mula sa PhilHealth. Itong kalinga at suportang hatid natin para ating donors ay bunga ng ating pagkaunawa ng kahalagahan ng komunidad sa pagseseguro ng kalusugan ng lahat.

Kaya naman, patuloy na pinaiigting ng PhilHealth ang paglilingkod nang tayo ay makapaghatid ng isang Mabilis, Patas, at, Mapagkakatiwalaang agabay sa bawat Pilipino. (PR)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: PDEA seizes P9.5-B illegal drugs May 30 – June 13
Next: PH gov’t hits country’s ‘false ranking’ as least safe for travelers

Related News

Christina-Frasco-Dot
  • National
  • Tourism

PH gov’t hits country’s ‘false ranking’ as least safe for travelers

Editor June 19, 2025
PCG-pangasinan
  • National

PDEA seizes P9.5-B illegal drugs May 30 – June 13

Editor June 18, 2025
National-Forensics-Institute
  • National

Forensics Institute ‘major step’ in transforming PH justice system

Editor June 18, 2025

Trending News

PH gov’t hits country’s ‘false ranking’ as least safe for travelers Christina-Frasco-Dot 1
  • National
  • Tourism

PH gov’t hits country’s ‘false ranking’ as least safe for travelers

June 19, 2025
PhilHealth’s New Benefits for Post-Kidney Transplantation Services PhilHealth-Artcard 2
  • Health
  • National

PhilHealth’s New Benefits for Post-Kidney Transplantation Services

June 19, 2025
PDEA seizes P9.5-B illegal drugs May 30 – June 13 PCG-pangasinan 3
  • National

PDEA seizes P9.5-B illegal drugs May 30 – June 13

June 18, 2025
Forensics Institute ‘major step’ in transforming PH justice system National-Forensics-Institute 4
  • National

Forensics Institute ‘major step’ in transforming PH justice system

June 18, 2025
8 NCR top cops relieved for failure to follow 5-minute response time Gen-Torre 5
  • National

8 NCR top cops relieved for failure to follow 5-minute response time

June 17, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.