
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Jan. 13, 2013) – Maugong na sa Mindanao ang pangalan ni Philippine Army chief Gen. Emmanuel Bautista bilang kapalit ni retiring Armed Forces chief Gen. Jessie Dellosa.
Nangunguna si Bautista sa mga inirerekomendang kapalit ni Dellosa dahil sa magandang track records nito at husay sa paninilbihan sa Philippine Army.
Maging ang mga opisyal sa Western Mindanao Command and Eastern Mindanao Command ay pabor kay Bautista na isa umanong magaling na opisyal ng hukbo at mapagkumbaba.
“Magaling itong si Gen. Bautista at masipag at palaging low profile ang trabaho at kahit na maraming mga accomplishments ang Philippine Army under his able leadership ay hindi mo maririnig na nakikipagunahan ito sa paglalabas ng info sa media.”
“He just let the higher headquarters do the talking while he works silently and effectively on the ground,” ani pa ng isang koronel sa Mindanao Examiner, ngunit nakiusap naman na huwag ilabas ang pangalan at baka umano kainitan ng ibang nagaambisyon na maging Chief of Staff ng Armed Forces.
Ngunit sinabi nito na nakasalalay sa Pangulong Benigno ang huling say kung sino ang ipapalit kay Dellosa. Tradisyonal sa militar na maupo bilang Armed Forces chief ang Commanding General ng Philippines Army.
Subalit malaki rin umano ang impluwensya ni Defense chief Voltaire Gazmin sa desisyon ni Aquino, ngunit dapat umanong masunod ang rekomendasyon ng iang mga heneral sa pagpili sa ipapalit kay Dellosa. (Mindanao Examiner)