Excited pero kabado rin. Ganito ang magkahalong nararamdaman ng kauna-unahang Filipinang bibiyahe patungong planetang Mars bilang bahagi ng “Mars One” project.
Sa isinagawang Pandesal Forum Programme sa Kamuning, Quezon City, ipinakilala ang kauna-unahang Pinay astronaut na tatapak sa Mars na tinaguriang ‘red planet’.
Si Del Rosario ay isa sa dalawang Pinay na nasa shortlisted mula sa 202,586 applicants worldwide na naghahangad na makarating sa Mars. Ang isa pang Filipina ay si Minerva Reñeses, 24.
Ang 27-anyos na si Del Rosario ay ipinanganak sa Pilipinas at ang kanyang mga magulang ay Bicolano. Kasalukuyan itong nakabase sa Amerika kung saan pinalad na mapalago ang pagiging entrepreneur, metallurgist at political science junkie.
Sa ngayon ay president & CEO of International Metal Source at president/CEO and co-founder ng Giggup si Del Rosario.
Ang kanyang negosyong International Metal Source ay isa mga distributor ng raw material metals and exotic alloys to aerospace, defense and commercial industries simula noong 2009.
Sinasabing ang ‘Mars One’ ay isang non-profit organization na nakabase sa The Netherlands at siyang nag-propose ng ideya na lipatan ng tao ang Mars dahil napupuno na ang Earth at mag-establisa doon ng permanenteng human colony sa 2027.
Ang nasabing private spaceflight project ay pangungunahan ng Dutch entrepreneur na si Bas Lansdrop na siya ring nag-anunsyo ng ‘Mars One’ project noong Mayo 2012.
Plano ng ‘Mars One’ na umpisahan ang pagpapadala ng apat na grupo sa darating na 2023.(Nonnie Ferriol )
LInk: http://www.abante.com.ph/news/nat/40435/pinay-excited-sa-biyahe-sa-mars.html