
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Dec. 31, 2012) – Talamak ang bentahan ng mga pirated DVDs kung anu-ano pang mga palsipikadong produkto sa Zamboanga City at maging sa loob ng malls na binibantayan ng mga parak ay lantaran rin ang bentahan ng mga ito.
At sa halagang P30 ay makakabili ng mga pirated movies at marami sa mga ito ay halos hindi pa naipapalabas sa mga sinehan sa Zamboanga.
Sa mga malls ay lantaran ang bentahan ng mga pirated films at gayun rin ang ibat-ibang uri ng mga palsipikadong lotion, pabango at kung anu-ano pa, kabilang ang mga computer software.
Ngunit dedma lamang ang Department of Trade and Industry at mga awtoridad, at pamahalaang lokal sa patuloy ng ilegal na gawain. Kalimitang dahilan ng mga ito ay wala umanong nagsasampa ng reklamo sa kanila o kaya ay kulang sila ng tauhan upang pigilin ang lumalaganap na bentahan ng palsikipikadong produkto. (Mindanao Examiner)