CAGAYAN DE ORO CITY – Nadiskubre sa Cagayan de Oro ang umano’y mga pekeng bigas na galing pa sa China, ngunit hindi agad mabatid kung gaanon karaming sako ng bigas ang nakapasok sa naturang lungsod.
Kasalukuyang nagiimbestiga ang mga awtoridad sa nasabing ulat matapos na mag-reklamo ang isang ginang na may halos plastic na bigas sa isang sakong nabili nito sa palengke sa Barangay Carmen na isa sa pinakamalaki sa Cagayan de Oro.
Maging ang City Council at ang National Food Authority ay nababagabag sa naturang rebelasyon at iimbestigahan umano ang pagpasok ng mga pekeng bigas sa Cagayan de Oro. Natunton na rin ang nagbenta ng bigas at Nangako ang may-ari nito na makikipagtulungan sa anumang imbestigasyon.
Nagbabala naman ang awtoridad sa publiko na mag-ingat sa mga bigas na kanilang binibili at kung may duda ay huwag na itong bilhin at isumbong agad sa pulisya o sa mga opisyal ng barangay o sa market administrator.
Unang inulat noon nakaraang taon ang pagkalat ng pekeng bigas sa Davao City. Ngunit pinabulaanan naman ito ng mga opisyal doon at sinabing walang palsipikadong bigas mula China ang nakapasok sa Davao. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
https://mindanaoexaminer.com/ad-rates