ZAMBOANGA CITY – Isinugod sa pagamutan ang isang line man ng PLDT matapos itong makuryente habang may ginagawa sa isang poste ng kuryente sa Zamboanga City.
Nagtamo ng 2nd degree burns sa kanyang dibdib at braso si Arnel Nazareno, 26, matapos na dumikit ang ulo nito sa high tension wire ng poste ng Zamboanga City Electric Cooperative sa Barangay Culianan.
Nabatid sa pulisya na naganap ang aksidente kamakalawa ng umaga at kahapon ay nasa Mindanao Central Sanitarium Hospital pa rin ito at patuloy na ginagamot.
Sinabi naman ni Chief Inspector Rogelio Alabata, ang regional police spokesman, na nasa stable condition na si Nazareno na isa palang contractual employee.
“Nazareno accidentally electrocuted himself while conducting preventive maintenance on the PLDT line. His head accidentally came in contact with one of the ZAMCELCO live electric wire causing the incident,” pahayag pa ni Alabata.
Hindi naman nagbigay ng anumang statement ang PLDT sa sinapit ng biktima. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper