
ILOCOS SUR (Mindanao Examiner / Jan. 3, 2013) – Isang cadet sa Philippine Military Academy ang nasawi matapos itong malunod matapos na ligtas ang kapatid sa mini-dam sa Barangay Commilas South sa bayan ng Cervantes dito.
Nakilala ang nasawi na si 2nd Class Efren T. Sadayan at ayon kay SPO4 Fernan Quebral, deputy chief of police ng Cervantes, ay napadpad sa malalim na bahagi ng dam ang biktima matapos na mailigtas ang nalulunod na kapatid na si Bryan.
Masaya pa umanong lumalangoy ang magkapatid ng mapadpad sa malalim na bahagi si Bryan at nakita naman ito ni Efren.
Nabatid din sa pulisya na ang naturang cadet ay residente ng Barangay Paco sa bayan ng Mankayan sa Benguet at kagagaling lamang umano sa Japan National Defense College para sa kanyang schooling.(Francis Soriano)