
Bukod pa sa police outpost ay pinangunahan rin ni Gov. Totoh ang groundbreaking ceremony para sa gusaling gagamitin ng Provincial Prosecutor’s Office sa Jolo.
Kasama ni Gov. Totoh sa dalawang proyekto sina Vice Gov. Sakur Tan, Jolo Mayor Hussin Amin at Vice Mayor Edsir Tan, Sulu police chief Abraham Orbita, Prosecutor Annie Marie Ledesma, at iba pang mga opisyal ng nasabing bayan at lalawigan.
Naroon rin ang maraming mga sibilyan at negosyante na todo naman ang pasasalamat kay Gov. Totoh sa kanyang ibat-ibang programa. Sinabi naman ni Amin at Orbita na malaking ang maitutulong ng naturang outpost na nasa sentro ng kalakal sa Jolo.
“Malaking tulong itong outpost ni Governor (Totoh) sa peace and order, lalo na sa amin mga negosyante, dahil dagdag confidence ito para sa amin lahat at siyempre suportado naman namin ang mga programa ng pulisya dito (sa Sulu),” ani Hajji Abubakar, isang negosyante sa Jolo.
Malaki rin ang pasasalamat ni Prosecutor Ledesma kay Gov. Totoh sa suporta nito sa judiciary. Lalo umanong mapapabilis ang pag-usad ng mga kaso sa Sulu dahil sa bagong gusali na ipinapatayo ng pamahalaang-panlalawigan sa Jolo. (Franzie Sali)