
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Jan. 15, 2013) – Talamak ang paglabag ng pulisya sa karapatan ng mga motorista sa mga checkpoint sa ibat-ibang panig ng Mindanao na kung saan ay ipinatutupad ang total gun ban.
Sa mga checkpoints ay kinakapkapan ng mga parak ang mga nakasakay sa motorsiklo at pinabubuksan pa ang mga utility box sa ilalim ng kanilang mga upuan.
At may mga nakunan pa ng video sa mga television reports na pinababa ng mga parak ang maraming pasahero ng bus upang makapag-inspeksyon sa loob nito at maging sa pag-akyat ng mga pasahero ay ipinatataas pa ang kanilang mga t-shirt upang masigurong wala silang dalang armas.
Sa Zamboanga City ay malimit rin ang kapkapan ng mga nakasakay sa motorsiklo at ilang beses na rin itong nakukunan ng video ng mga television reporters subali’t dedma lamang ang pulisya sa patuloy na paglabag sa guidelines ng Philippine National Police sa checkpoints.
Sa inilabas na guidelines ay ito ang nakasaad: “Checkpoints must be well-lighted, properly identified and manned by uniformed personnel; Upon approach, slow down, dim headlights and turn on cabin lights; Never step out of the vehicle; Lock all doors of vehicles during inspection since only visual search is allowed.”
“Never submit to physical and body search; Motorists are not required to open glove compartment, trunk or bags; Be courteous but firm in answering, assert your rights, have presence of mind and do not panic; Keep your driver’s license and car registration handy; Be ready to use your mobile phones at any time; speed dial emergency numbers at Report violations immediately.” (Mindanao Examiner)