
Ayon sa pagsusuri ng COA, ito ay sa pondo pa lamang sa tatlong accounts mula sa ARMM Social Fund – IBRD 7912, JICA 235 at General Fund na kanilang binusis.
Sa ulat naman na inilabas kamakailan ng The Manila Times ay sinasabing pawang mga cash advances ito ng mga opisyal at empleyado ng ARMM at walang mga papeles umano na magpapatunay kung saan ito ginamit o napunta kung kaya’t undocumented ang ito.
“Moreover, several unliquidated cash advances belong to the same employees. It simply connotes that such employee is being allowed to take additional cash advance without settling first his or her previous cash advance, thus, contrary to Section 89 of Presidential Decree 1445,” ayon pa sa COA sa naturang ulat.
Ang Section 89 ng Presidential Decree 1445 ay ang Auditing Code of the Philippines. Hindi naman pinangalanan ng COA ang mga taong nasa likod ng mga cash advances at hindi rin mabatid kung bakit ito pinayagan at pinabayaan ng pamunuan ng ARMM.
Sinabi pa ng COA na mahigpit ang tagubilin nito sa mga ahensya ng pamahalaan ukol sa mga cash advances na kailangang ay dokumentadong lahat ang mga pinaglaanan ng salapi dahil kung hindi ito masusunod ay posibleng may anomalya itong kinapapalooban.
Dapat umanong bayaran ng mga opisyal at empleyado ang kanilang cash advances at kung hindi naman ito magagawa ay maaari ibawas sa kanilang mga sweldo.
Hindi rin maaring bigyan ng mga panibagong advances ang mga ito kung hindi pa nila maibigay ang mga supporting documents o papeles sa kung saan napunta ang salapi.
Hindi naman mabatid kung nabusisi rin ba ang pondo sa tanggapan ni ARMM Gov. Mujiv Hataman at iba pang mga opisyal nito sa naturang rehiyon. Kaliwa’t-kanan ang akusasyon ng mga anomalya sa ARMM. (Mindanao Examiner. May karagdagang ulat ni John Constantine Cordon ng Manila Times.)