
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / June 21, 2013) – Nagsilbing “eye opener” ang dalawang political posters na isinabit ng isang matandang pulubi sa kanyang barong-barong sa tabi lamang ng kalsada sa Zamboanga City na kung saan ay ipinapakita nito ang masaklap na katotohanan ng buhay ng bawat isang maralitang Pilipino.
Mismong ang posters nina defeated senatorial candidates Jack Enrile at Teddy Casino ang nakasabit sa harapan ng kanyang “condo” na kung saan ay mababasa ng publiko ang mga nakasulat doon.
“Murang Pagkain, Maraming Pagkain” ang slogan ni Enrile at “Karaniwang Tao, Panalo kay Casino” naman ang mababasa sa propaganda ni Casino.
Ngunit malayo naman ito sa katotohanan para sa matanda na halos hindi na kumain sa buong mag-araw dahil sa sukdulang kahirapan sa buhay.
Panglilimos sa kalsada ang tanging ikinabubuhay ng matanda at masuwerte na lamang kung mabibigyan ng pagkain ng mga dumaraan doon.
Init sa araw at matinding lamig naman sa gabi ang nadarama ng matanda, ngunit namimiligro naman ito sa banta ng sakit sa tuwing may bagyo o ulan at sa kabila nito ay bulag naman ang lipunan sa kalagayan nito.
Mas nabigyan pa umano ng atensyon ng mga opisyal dito ang isang aso na binangsagang hero dog, ngunit sa katotohan ay hindi naman kaysa mga taong mas nangangailangan ng tulong kaysa sa hayup. (Mindanao Examiner)